Usec. Paras, hindi ambisyon ang palitan si Sec. Bello

Usec. Paras, hindi ambisyon ang palitan si Sec. Bello

July 26, 2018 @ 2:48 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Walang sama ng loob si Labor Undersecretary Jacinto Paras sa kanyng bossing na si Secretary Silvestre Bello III.

“There’s nothing to patch up because wala naman akong away sa kaniya. I respect him. He’s my boss. I’m just doing my job,” ayon kay Usec. Paras sa isang panayam sa telebisyon.

“If Secretary Bello is listening now, I still would extend my hand of friendship with him. His problem is his own.”

Paliwanag ni Paras, wala siyang kinalaman sa kung ano mang reklamo laban sa kalihim dahil hindi naman niya kilala ang mga taong sankot sa paratang.

Dagdag pa ni Paras na iniluklok siya sa kagawaran ng pangulo para bantayan ang korapsyon at ginagawa lang aniya ang kanyang tungkulin.

Kaya nang lapitan siya ng isang recruitment agency owner na si Azizzah Salim, para umano sa isyu ng korapsiyon sa DOLE, ay ibinigay niya it okay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez.

“Kung ikakagalit niya na nangyari itong incident na ito at nadadawit siya, wala po akong kasalanan,” giit ni Paras.

“Hindi niya dapat ikagalit. Matuwa nga dapat siya na sa departamento, may na-report tayong corruption,” dagdag pa nito.

Sa huli iginiit ni Usec na wala siyang ambisyon na palitan ang kalihim sa pwesto.

“Mr Secretary, hindi po ako yang Usec na yan. Wala po akong ambisyon sa pagka-Secretary. I’m even willing to sign a waiver that I will not accept,” aniya. (Remate News Team)