Uson, dapat i-‘disengage’ ng Con-Com

Uson, dapat i-‘disengage’ ng Con-Com

August 6, 2018 @ 1:16 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hindi na pinasasama ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa Consultative Committee (Con-Com)   sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa Pederalismo si Communication Assistant Secretary Mocha Uson.

“Nagkausap kami ni spokesperson Ding Generoso sapagkat sabi ko nga sa kaniya, dapat ay magdisengage na siya sa kanyang pakikipag-usap sa grupo ni Mocha… mainit na yung sitwasyon,” paliwanag ng kalihim sa isinagawang press briefing kanina.

Iginiit din ni Andanar na walang appointment mula sa inter-agency at hindi pa ito aprubado ng komite.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng viral na video ni Uson kasama ang co-host na si Drew Olivar kung saan gumawa sila ng sayaw kaugnay sa Pederalismo, na agad na umani ng batikos sa mga netizen at opisyal ng gobyerno. (Remate News Team)