Uson, Michele Gumabao binatikos sa pagtakbo sa MOCHA Party List

Uson, Michele Gumabao binatikos sa pagtakbo sa MOCHA Party List

January 20, 2022 @ 2:31 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Inulan ng batikos sina Mocha Uson at beauty queen-athlete Michele Gumabao dahil sa pagtakbo bilang representative ng Mothers for Change Party-list (MOCHA Party-list) kahit ang dalawa ay hindi pa ganap na ina.

Ito ay makaraang dumepensa si Gumabao sa kanyang desisyon.

“When we say ‘Mothers for Change,’ if you translate it to Tagalog, it says ‘Ina ng Pagbabago.”

“Hindi lang naman po ang [pagiging] ina ay nangahulugang nanganak o nagkaroon ng anak. There are other meanings or definitions of the word mother,” lahad ng beauty queen sa isang panayam.

Pinunto niya rin dito ang mga madre, miyembro ng  LGBTQ+ community, at ‘single fathers’ na maaari aniyang maikonsidera na ina.

Kanya-kanyang batikos naman ang netizen kung saan kinwestyon din ang Comelec sa nturang desisyon.

 “Michele Gumabao admits she and Mocha Uson are not mothers, but explains that their party-list ‘Mothers for Change’ is beyond the definition of motherhood. If they aren’t mothers, what are they?” komento naman ng isa pa.

Sa ulat, nabigyan ng akreditasyon ang MOCHA Party-list ng COMELEC na makilahok sa May 2022 elections. RNT/FGDC