USS Tripoli dumaong sa Pinas

USS Tripoli dumaong sa Pinas

September 27, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dumaong ngayong Martes sa Port Area Manila ang USS Tripoli (LHA-7) ang  US Navy amphibious assault ship, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, ang pagdating ng USS Tripoli sa bansa ay para sa ‘port call’ lamang.

Nang tanungin ang PCG ang detalye ng ‘port call’ ng USS Tripoli, sinabi ng coast guard na wala silang karagdagang impormasyon kaugnay sa nasabing pagbisita ng pandigmang barko ng Estados Unidos

Pero nauna nang inanunsyo ng US Navy na ang USS Tripoli Amphibious Ready Group ay nag-ooperate  sa South China Sea “upang mapahusay ang interoperability sa mga kaalyado at kasosyo at magsilbi bilang isang handa na puwersang tumugon upang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific.”

Habang nakadaong sa Manila port, ipinakita ng USS Tripoli sa flight deck nito ang ilang unit ng Lockheed Martin F-35B Lightning II, ang fifth generation  stealth multi-role combat aircraft na nakatalaga sa Marine Fighter Attack Squadron (VMFA) 121 ng US Marine Corps.

Ang USS Tripoli at sister ship na USS America (LHA 6), ay unang namataan habang bumibiyahe sa Philippine Sea noong nakaraang linggo.

Sinabi ng Pacific Fleet ng US Navy na ang Helicopter Sea Combat Squadron (HSC) 23 nito at ang naval air crewman ay nagsagawa rin ng search and rescue (SAR) swimmer training sakay ng USS Tripoli habang siya ay naka-deploy sa Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden