UST College of Medicine, pinarangalan ng Senado sa kontribusyon sa medisina

UST College of Medicine, pinarangalan ng Senado sa kontribusyon sa medisina

December 6, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinilala ng Senado nitong Lunes, Disyembre 5, 2022 ang kontribusyon ng University of Santo Tomas – Faculty of Medicine and Surgery (UST-FMS) medical at health care education sa bansa.

Sa ginanap na botohan, natuklasan na walang tumutol sa pagpapasa ng Proposed Senate Resolution No. 336 (Adopted Resolution 31) na kumikilala sa kontribusyon ng UST-FMS sa kaunlaran ng medisina at health care education sa bansa.

Nataon ang pagtibay ng resolusyon sa founding anniversary sa taong ito ng UST-FMS.

Kasabay nito, sinabi ni Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri pinapurihan din ang UST-FMS sa pagsasanay at pagtataguyod ang kahalagahan ng medical student sa compassion at serbisyo partikular sa mahihirap na nangangailangan ng atensiyong medical.

“They’ve produced a number of fine doctors and nurses that have gone all over the world to help the suffering humanity… and not only that, we consider UST as one of the top four universities. Whenever you talk about the top university of the Philippines, UST is always included in the top four,” ayon kay Zubiri.

Pinasalamatan naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, na pawang alumnus at athletic scholar ng UST mula high school hanggang college, si Zubiri sa pagtataguyod ng resolusyon na kumikilala sa kontribusyon ng UST-FMS.

“I muse on the thought of how long 150 years is… reaching this milestone must have been ecstatic, not only for the UST Faculty of Medicine and Surgery but to the entire Thomasian community worldwide,” ayon kay Villanueva.

Kaugnay nito, pinapurihan din nina Sens. Jinggoy Ejercito Estrada, Christopher “Bong” T. Go, at Grace Poe ang milestone ng UST-FMS sa ilang dekada kaya inihain ni Villanueva nag awing co-sponsor ang lahat ng miyembro ng Senado sa naturang resolusyon.

“According to SRN 336, UST-FMS was founded on May 28, 1872 making it the oldest existing Catholic medical school in the country. Since its establishment, UST- FMS has been considered one of the five top performing medical schools in the country, contributing more than 400 physicians annually and consistently topping the medical board examinations,” ayon sa resolusyon.

Noong 2021, pumangalawa ang UST sa pinakamahusay na paaralan sa physician licensure examination na isinagawa ng Professional Regulation Commission.

“The UST-FMS also produced several Secretaries of Health of the Philippines and several Presidents of the Philippine Medical Association, and has produced countless hospital administrators, medical directors, clinical specialists, and medical professors in the country,” ayon pa sa resolusyon.

“The UST-FMS was the only Asian school to be in the top 10 list of foreign medical institutions by the U.S. Educational Commission for Foreign Medical Graduates in 2007. The faculty’s Research Center for the Health Sciences is also involved in multiple research projects addressing immediate national and global health problems,” dagdag ng resolusyon.

Sa paghahanda ng ika-150 taong founding anniversary na may temang “Continue, Challenge, and Conquer,” sinabi ng resolusyon: “the UST Faculty of Medicine and Surgery has renewed its commitment to the development and formation of competent, compassionate, and committed Thomasian physicians in the delivery of health care services of global standards and in accord with the needs of the nation.” Ernie Reyes