UST grad nanguna sa nutritionist-dietitian licensure exam

UST grad nanguna sa nutritionist-dietitian licensure exam

November 9, 2022 @ 8:38 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pumasa ang 719 examiners mula sa 1,114 takers ng October 2022 nutritionist-dietitian licensure examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Si Margaret Therese Romeo Laurel, na nagtapos sa University of Santo Tomas (UST), ang nanguna sa pagsusulit sa rating na 90.10%.

Nasungkit naman ni Yris Nika Lim Politico ng Centro Escolar University – Manila ang pangalawang puwesto na may rating na 90%, habang sina Aizel Apolinario Mandalupe ng Western Mindanao State U-Zamboanga City at Karyne June Diaz Simon ng Central Mindanao University ang nakasungkit ng ikatlong puwesto na may rating na 89.70% .

Ang University of the Philippines Los Baños naman ang nangungunang paaralan na may 30 o higit pang mga kumukuha ng pagsusulit, kung saan lahat ng 58 graduate nito ay pumasa.

Ang licensure exam ay ibinigay ng Board of Nutrition and Dietetics sa Manila, Baguio, Cebu, Davao, Legazpi, at Zamboanga noong Oktubre 2022. RNT