UST grad topnotcher sa January 2023 architect licensure exam

UST grad topnotcher sa January 2023 architect licensure exam

February 2, 2023 @ 7:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate ng University of Santo Tomas sa 1,980 nakapasa sa architecture licensure examination na isinagawa nitong nakaraang linggo, ayon Professional Regulation Commission.

Base sa PRC, pinangasiwaan ng Board of Architecture sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ang pagsusulit sa 3,473 test takers.

Nanguna si Bhing-Bhing Panagsagan Ko ng UST, na nakakuha ng 84.50%. Samantala, ang best-performing school na may 50 o higit pang examinees, ay ang Polytechnic University of the Philippines na may 56 sa 61 test takers nito na nakalusot sa pagsusulit. RNT/SA