Utah Jazz Mitchell, bibisita sa Pinas

Utah Jazz Mitchell, bibisita sa Pinas

June 14, 2018 @ 2:39 PM 4 years ago


NBA – Sa kanuna-unahang pagkakataon, bibisita dito sa bansa si Utah Jazz shooting guard Donovan Mitchell sa Hunyo 17.

Bibisita ito sa bansa para sa kanyang endorsement ng isang kilalang brand ng sapatos.

Si Mitchell ay isa sa mga top contenders para sa NBA 2018 Rookie of The Year award matapos na makapagtala ng average na 20.5 points per game, dahilan para mangibabaw ito sa lahat ng mga rookie sa scoring.

Matatandaang nakaabot ang Jazz sa playoffs nitong nakaraang season pero tumiklop sila sa Houston Rockets sa Western Conference semi-finals. (Remate News Team)