Utak ng Caloocan jailbreak nasakote na, 6 pa pinaghahanap

Utak ng Caloocan jailbreak nasakote na, 6 pa pinaghahanap

October 26, 2020 @ 12:57 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Anim na lamang ang hinahanap sa 13 tumakas na bilanggo sa custodial facility ng Caloocan Police noong Huwebes matapos masakote ang pito sa mga pugante kasama ang sinasabing “mastermind” ng jailbreak.

Muling naghihimas ng rehas sina Harris Danacao; Reymark delos Reyes; Mark Oliver Gamutia; Aldwin Jhoe Espila; Jovel Toledo Jr.; ang nagpositibo rin sa rapid antibody test na si Reynaldo Bantiling at ang sinasabing may pakana ng pagpuga na si Arnel Buccat.

Samantala, tinutugis pa rin ng mga pulis sina Norbert Alvarez; Raymond Balasa, Hudsong Jeng, Justin Tejeros, Martin Mama at ang nagpositibo sa COVID-19 sa rapid test na si Gerrymar Petilla.  

Ayon sa dalawang kapwa presong hindi sumama sa pagpuga, plinano nina Buccat at Balasa, ang “mayor” at “bise mayor” sa piitan, ang pagtakas dahil sa kanilang napipintong paglipat sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology at ibabawal na rin ang pagbisita sa kanila.

Kaugnay nito, ang mga nakatokang jail guards nang maganap ang pagtakas  na sina Executive M/Sgt. Wilfredo Muyon at Cpl. Melvin dela Cruz Valez ay kakasuhan ng evasion through negligence na may karampatang parusa sa Revised Penal Code. Merly Iral


  •  
  •  
  •  

Loading...