Utak sa Degamo slay, posibleng dating sundalo – JTF

Utak sa Degamo slay, posibleng dating sundalo – JTF

March 13, 2023 @ 1:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Joint Task Force Negros spokesperson Maj. Cenon Pancito III na posibleng dating sundalo ang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“We believe so. Based on the description, based on the training, there is [some] reason for us to believe that he is a former member of the Philippine Army,” ani Pancito sa panayam ng ANC nitong Lunes, Marso 13.

Aniya, mayroon nang anim na suspek ang naaresto na may kaugnayan sa pagpatay, habang apat ang patuloy pang pinaghahanap.

Sinabi pa ni Pancito malinaw na “these 10 are not just operating on their own.”

“They have tentacles of violence. They have support systems that we also have to look into,” dagdag pa niya.

Sa imbestigasyon, lumalabas na ang mastermind ay “someone big, someone powerful.”

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tinitingnan ng ahensya ang nasa tatlo hanggang apat na mastermind na nagplano sa pagpatay kay Degamo.

Ani Pancito, walang pangalang ibinigay ang ma suspek na utak ng pagpatay, sa kabila na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na rin ng special investigation task group ang kaugnayan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dito.

“There were links of people, [but] it has to pass through several levels. We have to investigate the different levels, so we can really get through who really instructed it,” sinabi pa ni Pancito.

Wala pa ring dagdag na impormasyon na nakukuha kung magkano ang ibinigay na bayad sa mga pumatay lalo pa’t ang isa sa mga suspek na in charge at may “direct connection” sa mastermind ay pinaghahanap pa rin sa ngayon.

Naniniwala rin si Pancito na nasa Negros Oriental pa rin ang mga suspek kung kaya’t nagpakalat pa sila ng dagdag na pwersa lalo na sa mga pantalan ng probinsya.

“With the help of the populace [and] with the help of the right people giving information, I think the closure to the Pamplona massacre is really near its end,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong Marso 4 ay pinagbabaril-patay si Degamo at walo iba pa ng mga armadong kalalakihan sa harap ng bahay nito sa Pamplona, Negros Oriental. RNT/JGC