Utang ng bansa lumobo na sa P13.517T

Utang ng bansa lumobo na sa P13.517T

November 3, 2022 @ 5:23 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Lumobo na sa P13.517 trilyon ang utang ng bansa sa pagtatapos ng Setyembre.

Ito ay ayon sa datos ng Bureau of Treasury nitong Huwebes, Nobyembre 3 kung saan mas mataas ito ng 3.8% mula sa P13.021 trilyon na utang ng bansa sa pagtatapos naman ng Agosto.

Nalampasan nito ang P13.4 trilyon na projected outstanding debt sa pagtatapos ng taon.

Ayon sa BTr, ang pagtaas ng debt level ay dulot ng pagbaba ng halaga ng piso kontra sa US dollar.

Sa year-on-year basis, ang utang ng bansa ay lumolobo ng P13.4% mula sa P11.917 trilyon sa pagtatapos ng Setyembre 2021 at sa year-to-date naman ay tumaas ng 15.2% mula sa P11.728 trilyon sa pagtatapos ng Disyembre 2021.

“For September, the increase in domestic debt resulted from the net issuance of government securities amounting to P352.09 billion and the P5.18 billion impact of local currency depreciation against the US dollar,” ayon sa BTr. RNT/JGC