Utang ng bansa lumobo sa P13.02T

Utang ng bansa lumobo sa P13.02T

September 30, 2022 @ 5:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumobo sa P13.02 trilyon ang utang ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, 2022 ayon sa Bureau of Treasury.

Sa datos na inilabas ng BTr ngayong Biyernes, Setyembre 30 ay nakitang mas mataas ng 1% o P133.64 bilyon kumpara sa buwan ng Hulyo ang total outstanding debt ng pamahalaan.

Lubhang mataas din ito ng 11% kumpara sa naitalang kabuuang utang ng bansa noong Disyembre 2021.

“Increment from the end-July 2022 level was attributed to the net issuance of domestic securities as well as currency adjustments.”

Sa nabanggit na halaga, 68.7% dito ay mula sa domestic borrowings o P8.94 trilyon samantala 31.3% naman o P4.08 trilyon ang external debt ng bansa.

Pinakamalaki sa nautang ng bansa ay ginamit sa pagresolba sa krisis sa COVID-19.

Magkakaroon naman ng epekto sa pagbabayad ng Pilipinas sa utang nito ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. RNT/JGC