Utang ng PH gov’t bumaba sa P12.5T nitong Mayo

Utang ng PH gov’t bumaba sa P12.5T nitong Mayo

July 1, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas sa pagtatapos ng Mayo matapos ang repayment ng cash advance mula sa central bank, na pondo para sa muling pagbuhay sa ekonomiya, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) nitong Biyernes.

Batay sa datos mula sa Treasury, ang total outstanding debt ng gobyerno ay nasa P12.495 trilyon, mas mababa ng 2.1 porsyento o P267.415 bilyon kumpara sa P12.763 trilyong debt pile hanggang sa pagtatapos ng Abril.

Ito ay dahil sa repayment ng provisional advances mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ayon sa BTr.

Bukod dito, sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na ang pagbaba ng outstanding debt ay maaaring dahil sa “no large borrowings usually during the election month and, accordingly, some frontloading of government borrowings before the May 2022 elections, as a matter of prudence and policy in view of some election-related restrictions and consistently also preventing government debt maturities during the presidential election month, a pattern also seen for many years.”

“Furthermore, increased government tax revenue collections and slower growth in government spending as the economy re-opened further towards greater normalcy that reduced lockdown-related spending by the government as well as some election-related restrictions/ban on some government spending such as on some public works during the election period also led to narrower budget deficit and correspondingly reduced the need for more government borrowing in May 2022,” dagdag ni Ricafort. RNT/SA