Utang ng PhilHealth kayang bayaran nang buo

Utang ng PhilHealth kayang bayaran nang buo

October 29, 2020 @ 10:12 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na  walang problema sa usapin ng pondo ang pamahalaan para mabayaran ang utang ng PHILHEALTH sa Philippine National Red Cross.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung sa kakayahang magbayad ng gobyerno para ayusin na ang atraso sa PNRC ay kaya naman nito.

Iyon nga lamang ay kailangan lang na may daanang procedures alinsunod o subject to government audit rules.

Mayroon  lang umanong dapat plantsahin sang-ayon sa panuntunan ng Commission on Audit o COA.

“Nandiyan po talaga ang pondo, kaya lang hindi naman mabayaran iyong 100% kasi ang legal opinion po ng DOJ subject to submission of requirements at saka subject to government audit rules ‘no.

So mayroon lang pong paplantsahin sang-ayon nga sa mga rules din ng COA. Pero kung nag-offer na po ang PhilHealth 50%, kung tinanggap na po iyon matagal na pong bayad iyong 50%. Pero ang gusto po ng Red Cross ay 100% ang mababayaran,” paliwanag ni Sec. Roque.

Maliban dito ay inihirit din ni Sec. Roque na dapat din sanang magkaruon ng reconciliation sa halaga ng testing na siningil sa mga nai- swab ng PNRC.

Mas mababa dapat ang ibawas sa PHILHEALTH kung ang machine na ginamit sa isang nagpa- test  ay donation kasama na ang testing kits.

“Well, kailangan po siguro mag-reconciliation. Kasi ang aking paningin diyan iba-iba kasi ang halaga ng testing depende kung donated iyong machine at depende kung donated iyong testing kit,” ayon kay Sec. Roque.

“Bagama’t ang case rate po ay P3,500 pero mas mababa po talaga ang dapat masingil sa PhilHealth kung ang machine po ay donated at ang testing kits nga po ay donated. Sa tingin ko reconciliation lang iyan so wala pong problema iyan. Ang gobyerno naman po eh, kaya nga po napakaimportante nang tinatawag nilang sovereign guarantee right, kahit gaano ka kahirap, kahit gaano ka kayaman basta naman gobyerno ang nag-assure na magbabayad eh tinatanggap po iyang assurance na iyan dahil hindi naman po tayo mauubusan ng pera,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...