Utang ng Pinas ‘di dapat ikabahala – Diokno

Utang ng Pinas ‘di dapat ikabahala – Diokno

November 23, 2022 @ 4:06 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Manageable, at hindi dapat ikabahala ang kasalukuyang utang ng Pilipinas ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Miyerkules, Nobyembre 23.

Matatandaan na sa pagtatapos ng Hulyo, umakyat na sa P12.89 trilyon ang utang ng bansa sa datos ng Bureau of the Treasury.

“Actually, our public debt is manageable, let’s put it that way. It should not be a cause for concern,” sinabi ni Diokno kasabay ng Commission on Appointments panel debate sa kanyang ad-interim appointment.

Aniya, ang debt-to-gross domestic product (GDP) ration ng bansa ay tumaas dulot ng COVID-19 pandemic.

“Although we came from a very low debt-to-GDP ratio of less than 40 percent before the pandemic, it went up to around 62 percent because of the pandemic because we have to buy the vaccines, we have to beef our health services, etcetera,” paliwanag ni Diokno.

“That should not be a cause for concern. Sixty-two percent, that’s very manageable compared to other countries whose debt-to-GDP ratio is 200 percent… 100 percent as in many European countries,” dagdag pa.

Iginiit naman niya na mayroong matibay na economic strategy ang pamahalaan na magpalalago sa ekonomiya sa susunod na anim na taon ng 6.5 hanggang 8%.

“So, higher revenues, stricter on the expenditure side, I think we can manage our debts,” pagbabahagi ni Diokno.

Sa pagtataya, posibleng umabot na sa P14.63 trilyon ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng taon. RNT/JGC