Utang ng Pinas, P13.7T na noong Enero

Utang ng Pinas, P13.7T na noong Enero

March 7, 2023 @ 6:26 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Lumobo ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa bagong record high hanggang sa pagtatapos ng January 2023 dahil sa local at foreign loans, batay sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr) na ipinalabas nitong Martes.

Sumapa ang end-January outstanding debt sa P13.7 trilyon, mas mataas ng 2.1%, o P279.63 bilyon, mula sa end-December 2022 level na P13.418 trilyon.

Inihayag ng Treasury na ang paglobo ng debt stock sa nasabing period ay “due to the net availment of domestic and external debt.”

Sa isang emailed commentary,  sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na ang bagong record high outstanding debt “may have to do with the $3 billion or about P164 billion global bond offering of the national government in January 2023.”

Nitong Enero, nakakalap ang Marcos administration ng kabuuang $3 bilyon, o halos P164 bilyon, mula sa triple-tranche dollar-denominated bonds, sa ikalawa nitong fundraising effort sa offshore debt market.

Umabot naman ang domestic debt sa kabuuang P9.38 trilyon, mas mataas ng P176.55 bilyon o 1.9%, mula sa end-December 2022 level na P9.2 trilyon.

Iniugnay ng BTr ang pagtaas ng local debt sa “net availment of domestic financing amounting to P179.16 billion, offsetting the P2.61 billion effect of local currency appreciation against the US dollar on foreign denominated onshore securities.”

Samantala, pumalo ang external o foreign debt sa P4.31 trilyon, mas mata 2.4% o P103.08 bilyon mula sa P4.21 trilyon noongg December 31, 2022.

“The increase in the national government’s external obligations for January was brought on by the P186.56 billion net availment of foreign loans and the P10.36 billion impact of third-currency adjustments against the US dollar,” anang Treasury.

“However, peso appreciation reduced the peso value of foreign currency-denominated debt by P93.84 billion,” dagdag nito.

“New official development assistance (ODA) and other multilateral funding, especially for the country’s various infrastructure projects, would also add to the country’s outstanding national government debt in the coming months, as infrastructure spending as a percentage of GDP increased to more than 5% in recent years,” ayon kay Ricafort.

Hanggang nitong end-2022, ang debt-to-GDP ratio, o ang debt stock ng pamahalaan “relative to the size of the economy”, ay bumaba sa 60.9% ,mula sa 63.7% hanggang nitong third quarter ng 2022, na pinakamataas mula 2005. RNT/SA