Utang ng Pinas, pumalo na sa halos P13T

Utang ng Pinas, pumalo na sa halos P13T

September 4, 2022 @ 11:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pumalo ang utang ng Pilipinas sa bagong record-high na P12.89 trillion, malapit na sa P13-trillion “as of end-July 2022.”

Ito ang nakasaad sa ipinalabas na data ng Bureau of the Treasury (BTr).

Ang debt stock sa pitong buwan ng taon ay lumago ng 0.8% o P96.09 bilyonjg piso mula katapusan ng Hunyo 2022 sa level na P12.79 trillion.

Nakikita ng Treasury na ang pagtaas ay dahil sa “the net issuances of domestic and external loans as well as currency adjustments.”

Tumaas din ang debt level sa pagtatapos ng Hulyo 2022 ng 11% o P1.277 trilyong piso mula sa pagtatapos ng July 2021 outstanding debt na P11.61 trilyong piso.

“Since end-December 2021, the government debt widened by 9.9% or P1.16 trillion,” ayon sa ulat.
“The total debt stock as of end-July 2022 was composed mostly of domestic borrowings at 68.5% while the remaining 31.5% were foreign borrowings.”

“Nonetheless, the debt-to-gross domestic product (GDP) ratio — the amount of the state’s debt relative to the size of the economy — improved to 62.1% of the second quarter of the year from 63.5% of the first quarter, albeit still above the internationally accepted “manageable” threshold,” ayon pa rin sa ulat.

Samantala, inaasahang hihiram ang gobyerno ng Pilipinas ng mahigit sa P1 trillion para panakip sa tinatayang budget deficit sa susunod na taon. Kris Jose