Utang ng Pinas sumampa na sa P12.76T

Utang ng Pinas sumampa na sa P12.76T

June 2, 2022 @ 3:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa P12.76 trilyon ‘as of the end of April’ ang outstanding debt ng national government.

Sinabi ng Bureau of Treasury na P12.68 trilyon ang outstanding debt ng gobyerno noong nakaraang buwan.

“The total is 0.7 percent or P83.40 billion higher due to the net issuance of government securities to both local and external lenders and the depreciation of the local currency against the US dollar,” ayon sa kalatas ng BTr.

“Out of the total debt stock, 30 percent was sourced externally while 70 percent were domestic borrowings,” dagdag na pahayag nito.

“The P8.93 trillion domestic debt in April was 0.8 percent higher compared to March while the external debt of P3.83 trillion was 0.4 percent higher from the previous month,” ang pahayag pa rin ng Bureau of Treasury.

Sinasabing ang utang ng Pilipinas sa GDP ratio ay pumalo na sa 63.5 porsyento nito lamang buwan ng Marso kung saan ay mas mataas sa global standard na 60 porsyento.

Mula nang maupo sa kapangyarihan si Pangulong Duterte, nadoble ang utang ng Pilipinas mula P5.95 trilyon sa pagtatapos ng Hunyo 2016.

Samantala, haharapin naman ng incoming administration ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang responsibilidad ng pagbabayad sa lumobong utang ng bansa habang pinapanatili ang ‘accelerated pace’ ng economic recovery. Kris Jose