Utang ng Pinas umabot sa P11.73T sa 2021

Utang ng Pinas umabot sa P11.73T sa 2021

February 1, 2022 @ 5:10 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagtapos ang running debt stock ng Philippine government ng pagbaba “as of end-December 2021,” subalit ang full-year debt levels kaugnay sa laki ng ekonomiya ay umabot na sa manageable threshold.

Makikita sa Bureau of the Treasury (BTr) data na ang end-December 2021 national government outstanding debt ay pumalo sa P11.73 trillion, bumaba ng 1.7% mula sa P11.93 trillion debt balance “as of end-November 2021.”

Ang bahagyang pagbaba ng debt stock ay dahil sa net redemption ng domestic securities.

“Year-on-year, the total outstanding debt grew 1.7% or by P1.93 trillion from P9.8 trillion as of end-December 2020,” ayon sa ulat ng BTr.

Ang kabuuang debt o utang ay binubuo ng domestic borrowings na may 69.7%, habang ang natitirang balanse na 30.3% ay mula sa “sourced externally.”

Sinabi pa rin ng BTr na ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ay nakapag-rehistro ng 60.5%, mas mataas kumpara sa 54.6% level sa naunang isang taon.

Sinabi pa ng Treasury na ang full-year debt-to-GDP level ay nananatiling nasa loob ng accepted sustainable threshold habang ang ekonomiya ay patuloy na nagre-recover mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Nauna rito, todo-depensa naman si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa “uptick” ng programmed debt ng bansa, kung saan ay inaasahan na tatama sa internationally recommended threshold ng 60% proportion of gross domestic product sa 2022.

Ang Domestic debt ay umabot na sa P8.17 trillion, kung saan ay P271.09 billion o 3.2% na mas mababa kumpara sa end-November 2021 level “as the repayment of the P540.00 billion provisional advance from the BSP outpaced the net issuance of government securities, according to the BTr.”

Gayunpaman, ang domestic debt ay lumago ng P1.48 trillion o 22.0% para sa taon alinsunod sa domestic borrowing program na pabor sa domestic issuance para pagaanin ang panganib ng foreign exchange at suportahan ang local capital market development.

“External debt, meanwhile, stood at P3.56 trillion, up 1.9% or higher by P67.81 billion compared to the end-November 2021 level,” ayon sa BTr.

“For December, the increment in external debt was attributed to the impact of peso depreciation against the US dollar amounting to P40.87 billion and the net availment of external obligations amounting to P33.83 billion,” ang pahayag ng Treasury sabay sabing ang humina ang local currency laban sa greenback mula P50.384:$1 “as of end-November 2021 to P50.974:$1 as of end-December 2021.”

“These more than offset the effects of adjustments in other foreign currencies amounting to P6.89 billion,” ayon pa rin sa BTr.

Mula nang magsimula ang taon, sinabi ng BTr na ang external debt ay tumaas ng P457.82 billion o 14.8%, kung saan 6.6% ay maaaring i-attribute sa peso depreciation. Kris Jose