Utol ng shabu queen arestado

Utol ng shabu queen arestado

August 6, 2020 @ 10:51 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Camarines Sur – Dinakip ng pulisya ang kapatid ng tinaguriang “shabu queen” sa isinagawang operasyon sa bayan ng Canaman sa lalawigang ito.

Kinilala ang nadakip na si Virgilio Natividad ng Brgy. San Agustin, Canaman, Camarines Sur.

Ayon kay P/Capt. Bienvinido Encisco, hepe ng Canaman Police, sa bisa ng search warrant kaya nadakip ang suspek at nasamsam ang 11 pakete ng shabu, nagkakahalagang P10,000 at mga drug paraphernalia.

Sinabi ng pulisya na dati nang sumuko ang suspek pero nalaman nilang bumalik sa iligal na gawain.

Si Virgilio ay kapatid ni Loida Natividad, 60, umano’y “shabu queen” ng Zone 7, Victoria Heights Subd. Brgy. San Agustin, Canaman, Camarines Sur.

Nahuli si Loida nitong Mayo sa kanyang bahay at nakuha mula sa kanya ang 27 sachet ng shabu na nasa P850,000 ang halaga. Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •  

Loading...