Utol ni Lapid dismayado sa pagkasawi ng ‘middleman’: May conspiracy ba?

Utol ni Lapid dismayado sa pagkasawi ng ‘middleman’: May conspiracy ba?

October 21, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dismayado ang kapatid ng pinatay na broadcast journalist na si Percy Lapid sa napaulat na pagkamatay ng New Bilibid Prison inmate na umano’y nagsilbing “middleman” sa pagpaslang.

“Ito’y nagpapatunay na mayroong malawakang sabwatan na nangyayari dito sa pagpatay sa aking kapatid,” anang mamamahayag na si Roy Mabasa.

“Magiging stumbling block ito du’n sa pag-usad ng kaso. Saan na aabot ‘yung kaso kung walang middleman na magtuturo du’n sa mastermind?” ani Mabasa.

“Ilang araw na po nating pinananawagan na protektahan ang lahat ng taong may kinalaman sa kasong ito,” giit ni Mabasa.

“Subalit ito na biglang mag-announce ng DOJ na patay na pala ‘yung nasa kustodiya ng isa sa mga ahensya sa ilalim nila. Dapat may mananagot sa ganito,” aniya pa.

Nitong Huwebes nang ianunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na namatay ang isang preso ng NBP na umano’y “middleman” sa Lapid slay. RNT