Utos ni PBBM sa DPWH: Infra projects na makatutulong sa food security gawing prayoridad

Utos ni PBBM sa DPWH: Infra projects na makatutulong sa food security gawing prayoridad

July 8, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawing prayoridad ang infrastructure projects tna makatutulong sa target ng pamahalaan na maabot ang food security, ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan nitong Huwebes.

“The President has instructed the prioritization of infrastructure that would aid in the food security program of the government amid the rising inflation, as well as the interconnectivity of regions and convergence programs with other agencies,” pahayag ni Bonoan.

Sinabi ni Marcos, na siya ring pansamantalang Secretary of Agriculture na “food sufficiency must get the preferential treatment” at binigyang-diin na kinakailangan ng agrikultura ang “urgent attention” sa gitna ng Ukraine-Russia war na banta sa food security.

Ang mga infrastructure project sa ilalim ng Public Works department na makatutulong sa mga magsasaka ay farm-to-market roads, batay sa DPWH.

Samantala, inilahad ni Bonoan na ipagpapatuloy bg administrasyon na isulong ang big-ticket projects ng nakaraang administrasyon sa ilalim ng Build, Build, Build program “as instructed by President Ferdinand Marcos Jr.” RNT/SA