Uwian na! Matinding trapik sa NLEX, SLEX asahan na

Uwian na! Matinding trapik sa NLEX, SLEX asahan na

November 1, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magbabalik-Metro Manila ang libo-libong mga motorista na nagbakasyon sa mga probinsya dahil sa long weekend.

Ayon sa expressway operators, inaasahan nilang magsisimula ang pagbagal sa daloy ng trapiko hapon ng Martes, Nobyembre 1 hanggang Miyerkules ng gabi, Nobyembre 2.

Inaabisuhan ang mga motorista na bumyahe sa off-peak hours dahil inaasahan na ang 10% dagdag sa pangkaraniwang traffic volume.

Nakahanda naman ang NLEX Corporation sa posibleng traffic jam kung kaya’t nagdagdag na sila ng mga traffic marshalls, toll lane personnel at patrol crew members.

May alok din silang libreng towing service sa pinakamalapit na exit sa mga Class 1 vehicles hanggang bukas ng umaga.

Ayon naman sa SLEX, ngayong hapon din hanggang bukas ang inaasahan nilang bugso ng mga sasakyan na nagmula sa Timog Katagalugan pabalik ng Metro Manila at inaasahan ang mas matinding trapiko sa Calamba entry at ang bukana ng elevated skyway.

Narito ang mga numero na dapat tandaan ng mga byaherong dadaan sa mga nabanggit na expressway:

NLEX – (02) 1-35000
SLEX – 09176877539
SKYWAY SOMCO – 09175398762
STAR TOLL – 09175117827

Matatandaan na nagkaroon ng long weekend makaraang ideklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Oktubre 31 bilang special holiday. RNT/JGC