Vaccinated, unvaccinated walang pagkakaiba – Vergeire

Vaccinated, unvaccinated walang pagkakaiba – Vergeire

July 30, 2021 @ 11:42 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang pagkakaiba ang  vaccinated at unvaccinated na indibidwal.

Paliwanag ni Vergeire, ito ay isang bagay na napag-usapan na rin sa IATF.

Punto aniya ng mga opisyales ng IATF, wala pang sapat na suplay ng bakuma sa ating bansa para makapagsabi na tanging ang mga nabakunahan lamang ang maaring lumabas at ang ‘unvaccinated’ ay hindi maaring lumabas .

Ayon kay Vergeire, may mga indibidwal na ayaw talagang magpabakuna pero mayroon namang gustong magpabakuna pero hindi pa nakakatanggap ng bakuna.

“That is why it is not the time yet para makapag-impose tayo ng ganitong regulasyon,” ani Vergeire.

Bukod dito, sinasabi din ng ating mga eksperto na mayroon itong legal implication.

Kaya sa ngayon wala aniyang pagkakaiba ang ‘vaccinated’ at ‘ unvaccinated’.

Dagdag pa ni Vergeire, ang mga APORs o authorized person outside residence ang pinapayagang lumabas. (Jocelyn Tababgcura-Domenden)


  •  
  •  
  •