Vaccination efforts ng DOH mas paiigtingin vs Omicron

Vaccination efforts ng DOH mas paiigtingin vs Omicron

January 18, 2022 @ 2:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Mas pinaigting ng Department of Health (DOH) ang coronavirus disease (COVID-19) vaccination sa mga rehiyon na mabagal ang operasyon bilang paghahanda sa posibleng surge na dulot ng mas nakakahawang Omicron variant.

“We are currently ramping up vaccination, especially identifying itong mga areas na nakikita natin na medyo mabagal po ang pag-usad ng ating pagbabakuna,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“We are anticipating katulad ng nagkaroon tayo ng experience with Delta. Nauna po ang NCR but after two to three weeks, ‘yung ibang rehiyon ay nagsunod na rin ng pagtaas,” dagdag pa niya.

Ayon kay Vergeire, nagsimula nang tumaas ang kaso ng virus sa ilang rehiyon.

“We are doing a lot of demand generation activities para lang po mahikayat natin ang ating mga kababayan dito sa mga areas na ito,” aniya.

“Ito pong bakuna ang makakapagprotekta sa atin para hindi tayo ma-ospital, hindi tayo magkaroon ng severe infection, hindi tayo mamatay dito sa sakit na ito,” giit ni Vergeire. RNT/SA