Vaccination rollout sa Malabon, Navotas umarangkada na

Vaccination rollout sa Malabon, Navotas umarangkada na

March 5, 2021 @ 12:40 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nagsagawa na rin ng unang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Ospital ng Malabon nitong Marso 5.

Tinawag ni Mayor Antolin Oreta na “momentous day” ang okasyon dahil mapoprotektahan na ang mga medical frontliner.

Hinimok din ng alkalde ang nasasakupan na magparehistro para sa pagpapabakuna para pagdating ng supply ay agad maiproseso ang pagtuturok sa kanila.

Inihayag ni Oreta na nais niyang maabot ang 70% ng mamamayan ang mabakunahan para maabot ang herd immunity.

Si Ospital ng Malabon Medical Director Dr. Mitzi Tanchoco ang unang binanakunahan.

Samantala, nagbabakuna na rin ng unang 100 medical workers ang Navotas City Hospital.

“Lubos po tayong nagpapasalamat na magkakaroon na sila ng proteksyon laban sa COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco. Merly Iral


  •  
  •  
  •