Vaccination sites sa Pinas, posibleng madagdagan- DOH

Vaccination sites sa Pinas, posibleng madagdagan- DOH

November 25, 2021 @ 5:58 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Posibleng madagdagan pa ang vaccination sites sa bansa sa pagpapatuloy na vaccination program at national vaccination day ng gobyerno, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa ngayon, mayroong 12,000 vaccination sites at maari pa itong dumami dahil marami umanong nagboboluntaryo na mobile vaccination  sites o kaya mga expansion ng  mga vaccination sites sa iba’t ibang pampublikong lugar.

Kasama rito ang malls, establisimyento, at gymnasium kaya inaasahang dadami pa ang  vaccination sites sa darating na mga araw.

Ang National Capital Region ay kasama rin sa   kampanya sa national  vaccination day.

“They would be helping or augmenting  and give supports  to Regions 3 and 4A”, pahayag pa ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum ngayong Huwebes. Jocelyn Tabangcura-Domenden