Vaccinators isinailalim sa retraining bago magbakuna sa edad 5-11

Vaccinators isinailalim sa retraining bago magbakuna sa edad 5-11

February 7, 2022 @ 6:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Upang masiguro na magiging maingat ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima ngayong araw, Pebrero 7 ay isinailalim muna sa retraining ang lahat ng mga vaccinator.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Co-Lead at Medical Specialist II, Dr. Kezia Lorraine Rosario, na kailangan kasing matiyak na magiging maingat ang pagbabakuna sa age group na ito lalo na;t reformulated ang pfizer vaccine na ibinibigay sa kanila.

Aniya pa, ni-retraining ang kanilang mga vaccinator dahil may ibang protocols ang pagtuturok ng vaccine sa edad lima hanggang 11 kumpara sa nasa 12 anyos pataas.

Dagdag pa rito ang mga ginawang pagsasanay ang tamang paraan ng pagbabakuna, paano ang preparasyon at paano ang wastong paghandle ng reformulated vaccine na ito na may mas mababang dosage.

Samantala, siniguro naman ni Rosario na ‘very safe’ ang formulation ng vaccine na ituturok sa mga lima hanggang labing isang taong gulang at akma talaga aniya ito para sa kanilang edad. Kris Jose