Vaccine czar sapul ng COVID

Vaccine czar sapul ng COVID

May 23, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo si National Task Force Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa COVID-19.

Sa isang kalatas, sinabi ni Galvez na siya ay “tested positive” para sa COVID-19 matapos sumailalim sa kanyang lingguhang reverse transcription-polymerase chain reaction test .

“I am experiencing mild symptoms but remain in high spirits. Members of my immediate family and I are fully vaccinated and have received the booster shot. All of us are under isolation,” ani Galvez, isa ring Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.

Humingi naman ng paumanhin si Galvez sa mga taong nagkaroon siya ng “close contact” sa nakalipas na 5 hanggang 7 araw.

Hinikayat niya ang mga ito na magpasuri at obserbahan ang kondisyon.

Sa kabila nito, patuloy namang imo-monitor ni Galvez ang peace processes at vaccination efforts kahit pa siya ay nasa ilalim ng isolation.

Hinikayat din niya ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

“I encourage the unvaccinated to get the COVID-19 jab as soon as possible and those eligible to take their first and second booster doses. Keep well and stay safe,” dagdag na pahayag ni Galvez. Kris Jose