Vaccine distribution sa Vis-Min, paspasan na – Duterte

Vaccine distribution sa Vis-Min, paspasan na – Duterte

June 1, 2021 @ 7:17 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Inutos na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez na paspasan na ang distribusyon ng mga bakuna sa iba’t ibang probinsiya sa Visayas at Mindanao.

“I’m directing Secretary Galvez to make a distribution, parang pro rata. Hindi naman lahat, pero mabigyan ‘yung iba, starting, Iloilo, Zamboanga, Cagayan, Butuan, mabigyan lahat…Surigao, then you go up to Leyte, Samar. Paghati-hatian natin ito, tutal most of the, the bulk of the people in NCR, mayroon na ho silang bakuna. ‘Pag dating noong sunod na marami, eh you divide it amongst the local government units. Sana magawa ito sa madaling panahon,” ayon sa Pangulo sa Sa Talk to the People niya, Lunes ng gabi.

 Matatandaang nabahala ang Department of Health sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang rehiyon sa Visayas at Mindanao, habang bumababa ang kaso sa National Capital Region.

Muli namang inulit ng Pangulo ang kanyang panawagan sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 gamit ang kung anong mayroong bakuna sa bansa.

“We urge all of you to get vaccinated with the vaccines available to us right now, because we want you, your families and your communities to be safe from the virus. This is malasakit,” ayon pa sa Chef Executive.

Inaasahan naman ng Pilipinas na maatatanggap ito ng 3.4 million COVID-19 vaccine doses ngayong buwan ng Hunyo.

Samantala, inaasahan din naman ng bansa na makatatanggap ito ng 8.329 million COVID-19 shots, kung saan 5.120 million ay na-administer na, “as of May 29.”

Ang Sinovac na bakuna ang may bulto ng suplay na ito. Kris Jose