Vaccine hesitancy bumababa; fake news lumalaganap, ‘di magiging zombie

Vaccine hesitancy bumababa; fake news lumalaganap, ‘di magiging zombie

January 27, 2022 @ 1:53 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na sa kabila ng pagbagsak ng vaccine hesitancy, marami pa rin ang ayaw magpabakuna laban sa COVID dahil sa mga kumakalat na fake news.

“Sa baba kasi, marami pa rin ang matitigas ang ulo…Ayaw nilang magpabakuna for whatever reason. Yung iba nga naniniwala na magiging zombie sila. Fake news, sobra kasing nagkalat ang materyales sa social media at malakas ang anti-vaxx campaign sa abroad. Sa US maraming ayaw magpabakuna,” aniya sa panayam sa TeleRadyo.

Maaalalang ilang sa pahayag ng netizen ay magiging zombie pagdating ng panahon sa oras na maturukan ng COVID vaccine.

Kaugnay ito ng survey na isinagawa ng OCTA kung saan naobserbahan ang pagbaba ng porsyento ng mga takot magpabakuna.

Base sa OCTA, pumalo sa 89 porsyento ng adult Filipino ang handang magpabakuna laban sa COVID-19. RNT/FGDC