Valdez, Morado balik sa national team

Valdez, Morado balik sa national team

January 30, 2022 @ 2:46 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inilabas ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) nitong Linggo ang listahan ng mga manlalaro na magiging bahagi ng national training pool para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, kabilang sina Alyssa Valdez at Jia Morado.

Sina Valdez at Morado ay bumalik sa training pool matapos mapalampas ang Asian Club Volleyball Championship.

Ang mga tulad nina Aby Maraño, Kianna Dy, Dindin Santiago-Manabat, at Deanna Wong ay babalik din sa pambansang koponan. Ang iba pang mga manlalaro na pinangalanan sa pool ay sina Iris Tolenada, Jasmine Nabor, Dawn Macandili, Dell Palomata, Ces Molina, Kalei Mau, Kat Tolentino, Casiey Dongallo, Mylene Paat, Faye Gajero, at Jaja Santiago.

Samantala, nananatiling halos buo ang men’s team kung saan nasa pool pa rin ang mga tulad nina John Vic De Guzman, Rex Intal, Kim Malabunga, at Ish Polvorosa. Makakasama nila sina Ysay Marasigan, JP Bugaoan, Francis Saura, Jessie Lopez, Manuel Sumanguid III, Kim Dayandante, Josh Retamar, Joeven dela Vega, Jack Kalingking, Mark Alfafara, Nico Almendras, Ricky Marcos, at Lloyd Josafat. Kasama na rin sa pool sina Marck Espejo at Bryan Bagunas, na hindi rin makasali sa Asian Club Volleyball Championship.

Sinabi ni PNVF president Tats Suzara na ang mga collegiate players ay hindi makakasali sa pool dahil sa mga schedule ng collegiate leagues.

“Nakakalungkot na ang ating mga promising young players mula sa collegiate leagues ay hindi makasali sa pool, at ang SEA Games for that matter, dahil ang kani-kanilang mga liga ay nagpapatuloy sa kanilang mga kumpetisyon bago ang Hanoi Games,” ani Suzara.JC