Valeen, may hanash sa kili-kili!

Valeen, may hanash sa kili-kili!

April 18, 2022 @ 5:34 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Huwag n’yong ikagulat kung nag-post sa Instagram si Valeen Montenegro ng kanyang picture showing seaweeds on her armpits.

Tila nasa beach si Valeen in her sexy swimwear, pero kung inaakala n’yong panira ang seaweeds sa magkabila niyang kili-kili, take time to read the caption.

Ani Valeen, “Body hair is natural. And we have to talk more about it!”

Nakapaloob dito ang mensahe ng 31 anyos na aktres para sa mga tulad niyang kababaihan.

Iba raw kasi ang tingin pag ang isang babae’y nagpapatubo ng buhok sa underarm, gayong such body hair ay kailangang i-embrace at ipagmalaki.

Naa-associate kasi ang pagkakaroon ng buhok sa kili-kili ng babae sa hygiene nito.

Most if not all women prefer it shaven off.

Hindi nga lang malinaw kung sinusunod ba ni Valeen ang kanyang paniniwala.

Baka raw kasi napagtripan lang niya ang seaweed na nakita niyang lulutang-lutang sa dagat at idinikit sa kili-kili niya!

Well, we’d love 1to see Valeen in her sleeveless blouse to check if she follows what she preaches. Ronnie Carrasco III