Valeen, sinabihang mukhang lalake!

Valeen, sinabihang mukhang lalake!

December 13, 2021 @ 2:40 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Isa si Valeen Montenegro sa mga sexy actresses natin na nai-feature noon sa FHM Magazine. Maraming humanga sa alindog ni Valeen kahit pa sabihin na hindi siya masyadong nabiyayaan ng malaking boobs. Bilang isang sexy actress ay patuloy pa ring nagdyi-gym si Valeen to stay fit and healthy. Pero may mga nakapuna na tila nagkaka-muscle na ito at nagmumukhang lalake na. Kung kaya sa isang larawan na ipinost ng komedyana ay may mga nagkomento.

“Madami, parang ‘Mukha kang lalaki,’ ‘Bakit ka nagwo-workout nang ganyan? Nagmumukha kang lalaki'”.

Hindi naman kaya na-offend ang byuti ni Valeen lalo pa nga’t dati siyang FHM girl?

“It doesn’t affect me,” ang say pa rin ni Valeen.

Isa sa nagpapalakas ng loob kay Valeen kahit nasisira minsan ang kanyang mood sa mga sobrang negatibong bash ay ang mga netizens na pinupuri naman ang Kapuso actress.

“Natutuwa ako sa little details na kunwari, sinasabi na ‘Fresh ka today,’ ‘yung mga ganu’n na nakakaganda ng araw,” dagdag na sabi pa ni Valeen. Wally Peralta