Valentines Day 2023 stamp!
February 13, 2023 @ 7:56 PM
1 month ago
Views: 259
Remate Online2023-02-13T16:44:38+08:00
MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) katuwang ang Megaworld Lifesytle Malls ang ‘Pupusuan Kita’ Valentines Day 2023 stamps at greeting cards bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ngayong Pebrero 14.
“This season of hearts, the Post Office, together with our Partner Megaworld Lifestyle Malls, will let the public experience how we can better express our love, care and respect for anyone who is important in our life,” ayon kay Assistant Postmaster General for Management Support Services Atty. Benjie Yotoko, sa launching ceremony na isinagawa sa Ponte Lobby Venice Grand Canal sa McKinley Hill, Taguig City.
Ang Post Office ay may satellite office sa Ground floor ng Venice Luxury Residences kung saan maaring makapagpadala ng sulat, pakete at Postal ID ng mabilis.
Sa pagdiriwang ng Valentines Day, sinabi ng PHLPost na ito ang espesyal na araw upang pasalamatan ang mga tao, sinuman sila gaya ng pamilya, kaibigan o special someone.
Ang Valentine’s day stamp at greeting cards ay itinaguyod upang pataasin ang interes ng publiko at bagong henerasyon sa kahalagahan ng sulat sa pagpapahayag ng ating pagmamahal sa ating mga katuwang sa buhay, kaibigan at pamilya.
“The Postage Stamps that we will launch today remind us of our traditions, mixed with cool, witty, and cute hand gestures of Love. Designed by our in-house artist, the vintage charm, simplicity, and color of the block of four cartoon-style stamps complement each other perfectly,” saad ni Yotoko.
Ang mga stamps ay may nakasulat na mga katagang: “Pusong Nagmamahal”, “Pusong para sa Iyo”, “Itong Puso Ko”, at “Ikaw ang Puso Ko.”
Ayon pa sa PHLPost, ang mga Filipino ay sadyang mga romantiko na nahihilig sa pagpapahayag ng kanilang nararamdaman sa isang masayang paraan.
Itinuturing na isa sa pinakahihintay na Philatelic release ang mga selyo para sa Araw ng mga Puso ngayong taon ay idinisenyo ng Post Office in-house graphic artist na si Agnes Rarangol.
Samantala, matatandaang inilunsad na rin ng Post Office Mega Manila Area ang “Pada-LOVE! Magpadala, Kiligin, Ma-in love”, na nag-aalok ng tradisyonal nitong “Singing Kartero package” na nagkakahalaga ng P2,500, kasama ang bouquert ng bulaklak, greeting card at dalawang awitin mula sa mga ‘Singing Karteros’.
Sinabi pa ng PHLPost na ang “Express Pada-LOVE”, na magtatagal hanggang Pebrero 15, ay hindi lamang para sa mga Filipino lover, kundi isang kapana-panabik na paraan rin upang isulong ang kanilang Domestic Express Mail Service (DEMS).
Nag-aalok ang naturang Valentines Day project ng same-day/next-day delivery ng mga bulaklak, tsokolate, cake, stuffed toy, card, at iba pang mga regalo, kasama ang mga serbisyo ng Singing Kartero, para sa mga mahal sa buhay, sa panahon ng isang linggong pagdiriwang ng Araw ng mga Puso .
Para sa iba pang katanungan tungkol sa mga selyo, mangyaring tumawag sa 8527-01-08 o 8527-01-32 o sundan/i-like ang Facebook page https://www.facebook.com/PilipinasPhilately/ para sa mga update. Jocelyn Tabangcura-Domenden
March 24, 2023 @9:06 AM
Views: 3
MANILA, Philippines- Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ng certificate of finality sa desisyon nitong Enero na nagdedeklara sa paksyon ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang totoo at opisyal na PDP-Laban party.
Tinutukoy ng poll body ang Comelec en banc resolution na pumapabor sa Duterte faction kaugnay ng kanilang petisyon laban sa PDP-Laban wing na pinamumunuan nina Senator Aquilino “Koko” Pimentel III at dating Senador Emmanuel Pacquiao kung alin ang lehitimong PDP-Laban party.
Sinabi ng Comelec na ang parehong partido ay nasabihan na ukol sa nasabing resolusyon at ang pag-iisyu ng certificate of finality ay naaayon sa Rule 18 ng 1993 Comelec Rules of Procedure na nagtatakda na ang isang resolusyon ng Commission En Banc sa mga espesyal na paglilitis ay magiging pinal at executory pagkatapos ng 30 araw mula sa promulgation nito.
Sa kabila ng certificate of finality, may pag-asa pa umano dahil inakyat ni Pimentel ang laban sa Korte Suprema at hindi pa nareresolba ang kanyang apela.
“The certificate of finality issued by the Comelec regarding our dispute over the leadership of PDP-Laban is pro forma, automatic announcement based on its practice,” sabi ni Pimentel.
“The Comelec cannot, by its pronouncements, deprive the Supreme Court of jurisdiction to review its actions and decisions, especially when they are exposed to be whimsical, capricious, arbitrary or issued with grave abuse of discretion, such as the decision in this case,” dagdag pa niya. Jocelyn Tabangcura.-Domenden
March 24, 2023 @8:52 AM
Views: 19
BACOLOD CITY- Ni-relieve sa pwesto si Col. Reynaldo Lizardo, Negros Oriental police chief, epektibo nitong Miyerkules.
Ito ay tatlong linggo ang makalipas nang patayin si Gov. Roel Degamo, kabilang ang walong indibidwal, habang 17 ang sugatan, sa bayan ng Pamplona.
Base kay Lt. Col. Kym Lopez, tagapagsalita ng Negros Oriental police, si Col. Alex Guce Recinto ang hahalili kay Lizardo.
Ikakasa ang turnover of command ngayong Biyernes, batay kay Lopez.
Hindi naman binanggit kung saan itatalaga si Lizardo, o kung bakit siya inalis sa pwesto.
Itinalaga siya sa probinsya noong November 2022. RNT/SA
March 24, 2023 @8:38 AM
Views: 21
MANILA, Philippines- Hinikayat ng isang eksperto sa kalusugan ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 dahil aabot sa 50 milyon ang bilang ng COVID-19 vaccine wastage sa bansa sa pagtatapos ng Marso.
Ipinunto ni Iinfectious disease expert Dr. Edsel Salvaña ang malinaw at kasalukuyang panganib sa gitna ng pandemya ng COVID-19, at idinagdag na dapat protektahan ang mga mahihinang sektor.
“I think the problem talaga with the vaccines, hindi nakikita ng mga tao yung clear and present danger. Sa America nga yung uptake nila ng bivalent vaccine ngayon is about only 15% and so,” sabi ni Salvaña sa public briefing.
Aniya ang vaccine wastage ay problema din sa ibang bansa sa buong mundo.
“Yung mga ibang bivalent vaccines sa US sobra talaga nila na stockpile kahit nga nung pumunta ako noong October eh hindi naman ako US citizen tinurukan pa rin nila ako dahil nagrequest ako,” anang health expert.
Binigyang-diin ng eksperto ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na edukasyon sa publiko tungkol sa pagpapabakuna laban sa COVID-19
Nauna nang sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mayroong humigit-kumulang 6.9 milyong bakuna na kasalukuyang “naka-quarantine” habang hinihintay ang mga vaccine manufacturers at ang Food and Drug Administration (FDA) na payagan ang pagpapalawig ng kanilang shelf lives.
Sinabi rin ni Vergeire na ang bilang ng wastage ay maaring pumalo sa mahigit 60 milyon dahil sa vaccine hesitancy ngunit aniya ang DOH ay patuloy ang kanilang pagsisikap na palakasin ang vaccination program ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden
March 24, 2023 @8:24 AM
Views: 23
MANILA, Philippines- Naghain ng mosyon ang kampo ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag nitong Huwebes upang ipagpaliban ang paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
Batay sa ulat, binigyan ng korte ang prosekusyon ng 10 araw para magkomento.
Samantala, may 10 araw din si Bantag, umano’y mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at presong si Jun Villamor, para tumugon sa prosekusyon.
Inihayag ng Muntinlupa court na iginiit ng kampo ni Bantag na dapat munang resolbahin ng Department of Justice ang kanilang pending motion of reconsideration bago mag-isyu ng warrant of arrest.
Noong March 14, isinakdal ng DOJ panel of prosecutors sina Bantag at dating deputy security officer Ricardo Zulueta para sa two counts of murder sa pagpatay kina Lapid at Villamor.
Sinabi ng legal counsel ni Bantag na si Rocky Balisong, na maghahain sila ng “necessary pleadings” matapos pag-aralan ang resolusyon. RNT/SA
March 24, 2023 @8:10 AM
Views: 23
MANILA, Philippines- Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na susuportahan ng mga bansang Brunei at Malaysia ang development initiatives sa Mindanao na naglalayong iangat ang kondisyon ng pamumuhay ng mga taga-roon ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos sina Brunei Ambassador Megawati Dato Paduka Haji Manan at Malaysian Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.
“We have to thank Brunei for the assistance and support that we have been receiving in the Southern Philippines, in the Muslim Autonomous Region, which have been big factor in what we think is going to be a successful Autonomous Region,” ayon sa Pangulo.
“So again, I hope that Brunei continues to give our Muslim community in the Southern Philippines whatever opportunities are available because that is the best way to assert that having peace is to give a good life to the people, a life that they would like to deserve,” dagdag na wika nito.
Aniya pa, ipapapatuloy ng pamahalaan na dalhin ang development initiatives sa Mindanao na makapagpapalakas sa economic activity, antas ng pamumuhay ng mga tao at iiwas ang mga ito sa karahasan.
Bilang tugon, sinabi naman ni Manan na ang pagpapalakas sa kooperasyon sa southern region ay palaging pangunahing layunin ng banyagang bansa dahil sa “commonalities” nito sa kanilang mga mamamayan.
“And so we hope that we will branch out, you know, expand the existing cooperation to give some – a little bit more opportunities for the south side,” ang sinabi ni Manan kay Pangulong Marcos.
Kapwa binigyang-diin nina Marcos at Manan ang kahalagahan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa paglutas sa regional concerns gaya ng South China Sea issue at civil unrest sa Myanmar.
Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang papel ng Kuala Lumpur sa paghahatid ng kapayapaan sa Southern Philippines, inaasahan na magpapatuloy ang partisipasyon nito sa development ng Bangsamoro region.
“It’s going to be very, very important because as long as we can provide… One of the complaints over the many, many years from the Muslim community in the Philippines was that they are underrepresented and underdeveloped. And they were absolutely right. So we are trying to fix that. We are trying to return a balance,” ayon sa Chief Executive.
Naniniwala naman ang Malaysian ambassador na ang kontribusyon ng Malaysia ay makatutulong para mapanatili ang progreso sa Mindanao. Kris Jose