Valenzuela City Hall staff binantaang uubusin ang lahi bago pinatay

Valenzuela City Hall staff binantaang uubusin ang lahi bago pinatay

July 14, 2021 @ 4:34 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bagama’t sumisigaw ng katarungan ay balot din ng pangamba ang pamilya ng isang kawani ng Valenzuela City Hall na pinagbantaang uubusin ang lahi bago pinatay.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, noong Hulyo 1 ay pinatay si Alan Cruz, nasa hustong gulang, matapos na hindi matagpuan ang kapatid nito ng suspek na siyang tunay na target.

Tatlong araw umanong ibinurol si Cruz sa basketball court ng Brgy. Bisig, ng lungsod.

Nang subukang humingi ng detalye ng Remate ukol sa insidente mula sa Valenzuela City Police ay wala umanong Alan Cruz sa kanilang blotter.

Ayon pa sa nakausap na Patrolman ng pahayagan,  kung kailangan umano ng incident report ng mga mamamahayag ay kailangan munang may clearance ang kanilang hepe bago sila makapagbigay.

Sinubukan ding kunin ng Remate ang panig ng Pubic Information Office ng lungsod ukol sa ulat ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito nagbibigay ng pahayag

Isang imbestigador naman ng valenzuela -pnp ang nagsabing magsasagawa pa sila ng follow-up operation ukol sa kasong ito kaya’t hndi pa sila naglalabas ng anumang detalye. Merly Iral