Valenzuela City, nagsagawa ng Fire Rescue Challenge

Valenzuela City, nagsagawa ng Fire Rescue Challenge

July 3, 2018 @ 2:18 PM 4 years ago


 

Valenzuela City – Nagsagawa ng Fire Rescue Challenge ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) bilang pagtalima ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.

Ito ang una sa tatlong bahagi ng ika-6 na Disaster Preparedness Skills Olympics at Benchmarking, na ginanap sa ALERT Center Grounds sa Barangay Malinta, Valenzuela City.

May kabuuang 350 mga rescuer ng komunidad mula sa iba’t ibang mga barangay, paaralan, ahensya ng gobyerno at non-government organization ang nakilahok sa nasabing challenge.