Valenzuela nakiisa sa World Toilet Day

Valenzuela nakiisa sa World Toilet Day

November 19, 2022 @ 4:53 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines -Nakiisa ang Valenzuela City sa pag-alala ng Araw ng Kubeta o World Toilet Day ngayong Sabado, Nobyembre 19.

Ayon sa pamahalaang lungsod, batay sa United Nations (UN) Water, 3.6 bilyong tao pa rin sa buong daigdig ang ang walang ligtas na napamamahalaang sanitasyon.

Ang taunang pag-alala ng UN ay nagtatampok sa pandaigdigang krisis sa sanitasyon, sa gitna ng patuloy na banta sa kalusuga’t kapaligiran ng hindi sapat na sanitasyon, lalo sa mga mahihirap na komunidad

“Let us continue to champion safe sanitation for all – we all deserve kuBETTER! #WorldToiletDay,” anang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela. Merly Iral