Valenzuelano kampeon sa debate sa UK

Valenzuelano kampeon sa debate sa UK

March 25, 2022 @ 7:27 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pinatuyanan ng isang batang Valenzuelano ang kanyang taglay na talino nang magwagi kasama ang kanyang kakampi sa isang prestihiyosong patimpalak sa pakikipagdebate para sa mga mag-aaaral sa ibayong dagat.

Tinanghal na kampeon si Naomi Ang ng Barangay Marulas sa 2022 Cambridge Schools Finals Day kasama si Anton Abiera.

Si Ang din ang hinirang na 9th best speaker sa torneo.

Sina Ang at Abiera, ng Ateneo De Manila Senior High School, ang mga unang debaters mula sa Asyanong institusyon na na nagwagi sa paligsahang ginanap sa United Kingdom. Merly Iral