Validity ng rehistrasyon ng mga sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 8, 9, 0 pinalawig ng LTO

Validity ng rehistrasyon ng mga sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 8, 9, 0 pinalawig ng LTO

August 13, 2022 @ 2:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinalawig ng Land Transportation Office ang validity ng rehistrasyon ng ilang sasakyan.

Kabilang sa mga apektado ang mga sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 8, 9, at 0.

Narito ang extended validity ng mga nabanggit na sasakyan, ayon sa LTO:

  • “Vehicles with plate numbers ending in 8: up to September 30, 2022;

  • Vehicles with plate numbers ending in 9: up to October 31, 2022; and

  • Vehicles with plate numbers ending in 0: up to November 30, 2022.”

Nauna nang inihayag ng LTO na makikipagpulong ito sa information technology service providers upang talakayin ang pagkaantala sa rehistrasyon ng lisensya.

Sa public briefing, sinabi ni LTO National Capital Region director Clarence Guinto na ang isyu ay ang “priority concern” para kay LTO chief at Transportation Assistant Secretary Teofilo Guadiz III.

Inihayag ni Guinto na ang Land Transportation Management System portal ng LTO ay nakararanas ng downtimes at glitches.

Sinabi pa ni Guinto na ang LTO ay nasa transition period sa dalawa nitong IT service providers. RNT/SA