ValTrace—contact tracing na walang kaba

ValTrace—contact tracing na walang kaba

September 13, 2020 @ 10:55 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinawi na sa lungsod ng Valenzuela ang pagod sa pagsulat sa contact tracing form sa bawat pupuntahan, ang pangamba sa  paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19  at ang pag-aalala sa data privacy.

Wala nang dapat ikabahala dahil sa pamamagitan ng Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang unique QR code mula sa ValTrace App.

Mula September 12, 2020 maaari nang bisitahin ang http://valtrace.appcase.net  at i-download ang unique QR Code.

Magsisimula naman ang No QR Code, No Entry sa mga establisyimento simula November 16, 2020, nakasaad sa City Ordinance No. 783, Series of 2020.

Nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa Appcase Inc. para i-develop ang ValTrace Application. Ang mga indibidwal ay kailangang magrehistro bilang “citizen” sa ValTrace application sa pamamagitan ng pagsa-signup sa  http://valtrace.appcase.net , at “merchant” naman ang dapat irehistro ng mga establisyemento.

Makaraang magrehistro, ang mga indibidwal ay bibigyan unique ValTrace-generated QR code na maaari nilang i- store sa kanilang telepono o i-print.  Ang mga establisyemento  ay kailangang mag-install ng ValTrace QR scanner app para mabigyan ng access sa software na magagamit sa pag-scan ng QR code ng mga nagrehistro bago pumasok sa establisyemento.

Pagka-scan ng QR code ng rehistradong establisyemento, ang personal na impormasyon ng indibidwal ay ita-transmit sa Valenzuela Central Contact Tracing System sa Mega Contact Tracing Center para sa madaling pag-trace ng mga indibidwal.

Ang pinakamatindi sa lahat, libre ang buong proseso ng pagrerehistro at paggamit ng ValTrace App.

Lahat ng mga kostumer, bisita at empleyado ng mga pampubliko at pribadong establisyemento ay hindi dapat papasuking nang walang ipinakikitang sariling ValTrace-generated unique personal QR Code.

Hindi papalitan ng QR codes ang paggamit ng Quarantine Pass dahil ito ay ginagamit pa rin sa in Valenzuela City kapag papasok sa establisyemento para sa  kinakailang paglalakbay.  Isang QR Code lamang ang itatakda bawat tao.

Ang mga indibidwal na hindi susunod sa ordinansa ay papatawan ng administrative penalty na Php 1,000.00 sa unang paglabag, Php 3,000.00 para sa ikalawa, at Php 5,000.00 para sa ikatlo at/o pagkakulong ng hindi lalagpas sa 30 araw depende sa korte.

Ang mga establisimyentong hindi susunod ay  pagmumultahin ng P5,000 at suspensyon ng prangkisa o business permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa first offense, P10,000, 24 hours of community service, at suspensyon ng prangkisa o business permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa second offense, at P15,000 at kasnselasyon ng  prangkisa o business permit sa ikatlong pagsuway.

Siniguro naman ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na iingatang mabuti ang lahat ng impormasyon, ito ay mananatiling konpidensyal at ididispatsa 30 araw matapos makulekta. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...