Van na may partisan sticker ‘di sa Comelec – Jimenez

Van na may partisan sticker ‘di sa Comelec – Jimenez

May 7, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes na pagmamay-ari nito ang sasakyan na may sticker ng campaign colors at hand signs ng isang presidential and at vice presidential candidate.

Kumalat sa social media kamakailan ang larawan ng isang van na may logo ng Comelec at partisan sticker.

Ayon kay Comelec Education and Information Department chief James Jimenez, hindi mula sa poll body ang sasakyan at ang may-ari nito.

“On verification, this is not a COMELEC vehicle and the registered owner is not a COMELEC employee. The matter has been referred to the relevant authorities for appropriate action,” paglilinaw ni Jimenez sa Twitter.

Samantala, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na madali lamang mag-print ng Comelec logo.

“[Pwede] nilagay dyan para po may ma-post sa [social] media,” aniya. “Madali po mag-print nun.”

Nauna nang sinabi ni Jimenez na ipinagbabawal ang partisan politics sa official government functions. RNT/SA