VANGUARDS PARA SA MEDIA

VANGUARDS PARA SA MEDIA

January 28, 2022 @ 12:16 AM 8 months ago


NATANONG ang inyong lingkod nitong nakaraang Biyernes ng ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang “Media Security Vanguards‚ÄĚ, kung sinusuportahan ko raw ang pag-aarmas sa mga kasapi ng sektor ng pamamahayag?

“Oo naman,” ang mabilis kung tugon, bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS). Ngunit kako, ito ay gagamitin lamang ng mga media bilang ‚Äúlast resort‚ÄĚ, kung ang kanilang buhay ay nalagay sa panganib at kailangan nilang protektahan ang kanilang mga sarili.

‚ÄúPressed against the wall, we need to fight back. Kung talagang gipitan na, at kailangan nang lumaban ay bakit hindi,” ang aking paliwanag.

Kaya nga tayo ay nag-papaset na ng meeting sa Commission on Elections upang talakayin ang kahilingan ng PTFoMS para ‘ma-exempt’ ang mga miyembro ng media sa ‘gun ban’ para sa halalan ngayong 2022.

Ito rin ang dahilan ng PTFoMS kaya nailunsad ng PNP ang programang ‚Äúmedia security vanguards‚ÄĚ, na binubuo ng¬† 1,899 na opisyal ng kapulisan na siyang magbibigay ng aksiyon at proteksiyon sa mga taga-media na malalagay sa panganib sa gitna ng pagdaraos ng halalan.

Di naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, naging matagumpay ang inyong PTFoMS sa pangunguna ng inyong lingkod, sa pagharap sa mga kaso ng pagpaslang sa ating mga kabaro at maging sa mga karahasang dinaranas ng ating mga kasama sa hanapbuhay.

Kaya maging si PNP spokesperson and public information office (PIO) chief Police Brigadier General Roderick Alba ay ‚Äėdi nag-atubili nang siya ay italagang hepe ng PNP sa vanguards para sa media o hepe ng mga police focal person sa national level.

Agad niyang hinirang ang mga regional PIO chiefs bilang mga police focal persons sa mga regional level. Sa ngayon aniya ay mayroon ang PNP na  133 public information offices sa mga police regional at city offices nationwide.

At kabuuang 1,766 chiefs of police sa bansa naman ang magiging ‘operating arms’ ng programang ‚ÄúMedia Security Vanguards‚ÄĚ para sa darating na halalan.

Ayon kay Alba, ang mga focal persons ang magpa-facilitate, magmo-monitor, at makakatambal ng  PTFoMS, samantalang ang mga chiefs of police naman ang magi-implement ng mga directive para sa mga focal persons na manggagaling mismo kay PNP chief Police General Dionardo Carlos.

Hindi ba’t maganda na ring arrangement yan. Kaya kung may maaamoy kayong papalapit na panganib sa inyong mga buhay aking mga kabaro, makipag-ugnayan agad kayo sa PTFoMS o kaya’y direkta na agad sa mga police focal person.

Sa ganitong set-up mapipigil natin agad ang naka-ambang panganib.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!