Vape bill, pinabe-veto kay Duterte sa Senado

Vape bill, pinabe-veto kay Duterte sa Senado

June 24, 2022 @ 3:30 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng isang senador kay Pangulong Duterte na ibasura o i-veto ang Vaporized Nicotine Product Regulation Act na mas popular na kilala bilang vape bill.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Pia Cayetano na pinapayagan ng panukala ang regulasyon sa importasyon, manupaktura, pagbebenta , packaging, distribusyon, paggamit at komunikasyon ng vape products at novel tobacco products.

Ililipat din ng panukala ang regulatory powers sa produkto mula sa Food and Drug Administraion (FDA) tungo sa Department of Trade and Inudstry (DTI).

Gamit ang desisyon ng Supreme Court, ikinatuwiran jni Cayetano na binigyan ng kapangyarihan ang FDA na pamahalaan ang lahat ng uri ng sigarilyo kaya dapat pangasiwaan din nito ang vaping.

“The decision is clear that the FDA must regulate all products that affect health,” ayon kay Cayetano sa isang press conference.

Sinabi ni Cayetano na kasakuluyang nakabinbin ang Vape Bill sa tanggapan ng secretary-general ng House of Representatives. “It makes it simpler if the President vetoes the bill but from what I know the bill has not yet reached Malacañang. It is with the House of Representatives,” aniya.

“Well, for me simple lang e. January pa yan pumasa ‘di ba? [For me it’s simple. The bill was passed in January, wasn’t it?] So, give it to the President of the same Congress where it was passed, and if it’s sitting in some table, I don’t know why that’s the case,” giit ni Cayetano.

“I would assume naman na this administration would like to start this on a morally high ground di ba? So allow the current president to do what he needs to do with it and, of course, ang panalangin namin is ma-veto,” dagdag niya.

Samantala, matinding binatikos din ni Philippine Pediatric Society and Tobacco Control Advocacy Group chairperson Dr. Rizalina Raquel Gonzales ang matinding lobbying ng vape bill sa Kongreso sa kasagsagan ng pandemya.

“Sa gitna ng pandemya, may bagong bill na nilalabas e ang dapat iniisip natin health promotion. Kung babasahin mo at matino ang utak mo at naiintindihan mo ang nangyayari sa tobacco control lahat nag-retrogress,” aniya.

“In-allow ang flavor, ibinaba ang age, ibinigay ang regulation sa DTI. ‘Yun ba ay health promotion? So merong nag-support dito, may nag-lobby dito e kaming mga doktor busy na busy sa pandemya. Hindi kami makalabas,” dagdag ng doktora.

“Personally, ang feeling ko naisahan kami habang may ginagawa kami. May gumagapang paloob para ahasin itong dapat na law na naka-implement na ngayon,” himutok ng manggagamot. Ernie Reyes