Vape bill ratipikado na sa Kamara

Vape bill ratipikado na sa Kamara

January 27, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Niratipikahan na ng House of Representatives ang bicameral conference committee report para sa panukalang pagregulate ng vaporized nicotine at non-nicotine products (VAPES).

Matatandaan na noong Martes ay niratipikahan sa Senado ang nasabing panukala,

Sa ilalim ng panukala ay irregulate na ng pamahalaan ang importation, manufacture, sale, packaging, distribution, use, at communication of vape products at novel tobacco products.

Nagpahayag naman ng pagtutol ang Philippine College of Physicians sa pagkakapasa sa nasabing panukala at umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na iveto o huwag isabatas ang Vape Bill dahil na rin sa lalo lamang itong magtutulak sa publiko na manigarilyo at taliwas sa kampanya ng gobyerno na itigil na ang paninigarilyo dahil sa masama sa kalusugan.

Maging si Health Secretary Francisco Duque ay kaisa sa panawagan na iveto ang panukala.

Sa ilalim ng nasabing panukala ay ang Department of Health ang syang aatasan na gumawa ng guidelines sa pagpapatupad ng smoking and vaping restriction awareness campaigns habang ang Department of Trade and Industry katuwang ang Food and Drug Administration ang syang magtatakda ng technical standards para sa safety, consistency at quality ng vape products na ibebenta sa merkado.

Sa oras na maisabatas ay bibigyan ng 18 buwan na transitory period ang mga manufacturers, distributors, importers at sellers para iparehistro ang kanilang produkto sa DTI.

Inaasahan naman na makakakuha ng dagdag na revenue ang gobyerno sa pagregulate ng vape products.

Bagamat pasado na sa Senado at Kamara ay nasa kamay pa rin ni Panglong Duterte kung lalagdaan ang panukala. Gail Mendoza