VAT Refund Program sa foreign tourists aprub na kay PBBM

VAT Refund Program sa foreign tourists aprub na kay PBBM

January 29, 2023 @ 11:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng  Value-Added Tax (VAT) Refund Program para sa foreign tourists sa 2024.

Layon nito na palakasin ang  tourist arrivals sa bansa.

Maliban sa  (VAT) Refund Program para sa mga foreign tourists, ang iba pang rekumendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Quick Wins, Tourism Sector Group na inaprubahan ng Pangulo ay ang pag-rollout ng e-visa ngayong taong 2023, prayoridad ang China at India;  at ang pagtanggal sa One Health Pass (OHP) o requirement ng isang form para sa ‘health, immigration at  customs.’

Ang pagpapawalang-bisa o pagbawi sa outdated advisories at loud-speaker announcements  sa  paliparan sa bansa at automatic inclusion ng travel tax sa lahat ng  airline tickets ay kabilang din sa ‘Quick Wins recommendations’ ng PSAC.

Ayon sa Malakanyang, magpapalabas si Pangulong Marcos ng isang executive order para ipatupad ang tax refund program, ginagawa na rin sa ibang bansa.

Ang mga panukala ng Quick Wins, ipinrisinta ng  PSAC kay Pangulong Marco sa isinagawang meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Enero 26 ay naglalayong mas palakasin pa ang tourism industry ng bansa kabilang na ang pagpapahusay sa “airport infrastructure and operations, managing the national brand and image at maging sa pagpo-promote ng tourism investments.

Sinabi naman ng mga opisyal ng PSAC  kay Pngulong Marcos na ginagawa na nila ang mobile app  na kanilang tinawag na  e-Travel, kung saan pinagsama-sama ang lahat ng  impormamsyon sa immigration, customs, health, at quarantine.

“The app, which could be deployed within this month or in February, is being modified to allow groups or families for easy data input, they said, adding the database will also include tourist destinations, transport and hotel information, as well as traffic condition,” ayon sa PSAC.

Maaari namang makumpleto ng mga turista ang kanilang form sa pamamagitan ng  app bago ang boarding o habang  onboard  sa eroplano  hangga’t mayroon silang  Wi-Fi connection.

Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng digitalisasyon, na aniya’y  papayagan ang  nga turista na maayos na ma-fill out ang mga forms habang bumibyahe, habang nagagawa naman ng mga awtoridad na tiyakin ang seguridad sa borders.

Ang PSAC ay kinabibilangan ng business leaders at industry experts  na nagbibigay ng  technical advice sa Panglo para makamit ang economic objectives ng pamahalaan para sa anim na  pangunahing sektor gaya ng agrikultura, digital infrastructure, healthcare, infrastructure, jobs generation, at turismo. Kris Jose