Vat sa streaming, online services pinalagan ng ilang kongresista

Vat sa streaming, online services pinalagan ng ilang kongresista

July 31, 2020 @ 11:31 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tutol ang ilang mga kongresista sa mayorya at minorya kaugnay sa isinusulong na pagpapataw ng value added tax (VAT) sa mga streaming at online services providers.

Ang reaksyon ay kasunod na rin ng pag-apruba sa committee level ng panukala para patawan ng 12% VAT ang mga e-commerce platforms tulad ng Netflix, Amazon, Spotify, etc. gayundin ang mga third-party online services providers na Lazada, Shoppee at iba pa.

Giit dito ni Deputy Majority Leader at Bagong-Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, dapat na pag-isipan ng kanyang mga kasamahang kongresista ang tuluyang pag-apruba sa panukala dahil tiyak na masasaktan dito ang mga consumers.

Sinabi ng kongresista na tiyak na ang ipapataw na 12% VAT sa mga online services na ito ay ipapasa sa mga consumers sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo sa mga produkto at serbisyo.

Bukod sa mga consumers ay tatamaan din aniya ng VAT ang mga online sellers na nagbebenta ng mga produkto sa mga online shopping platforms.

Tinawag naman ni Deputy Minority Leader Carlos Zarate na anti-consumer ang hakabang na ito dahil kahit pa sinasabing ang bubuwisan naman ay mga foreign companies sa huli ay tiyak na papasanin ito ng publiko dahil ang VAT ay isang ‘pass on tax’.

Kung gusto talaga aniya ng gobyerno na maitaas ang kita nito ay dapat mga mayayaman, korporasyon, at mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang pinapatawan ng mga dagdag na buwis. Meliza Maluntag


  •  
  •  
  •  

Loading...