Vatican website hinack!

Vatican website hinack!

December 1, 2022 @ 8:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Vatican na offline ang kanilang official website nitong Miyerkoles matapos ang hacking attack.

“Technical investigations are ongoing due to abnormal attempts to access the site,” sabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni.

Ang hacking ay nangyari isang araw matapos punahin ng Moscow ang pinakabagong pagkondena ni Pope Francis sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Sa isang panayam ng Jesuit magazine, tinukoy ng Santo Papa ang tropa mula sa Chechnya at iba pang ethnics minorities sa Russia sa kanilang partikular na kalupitan sa panahon ng digmaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden