‘Vax-baby-vax’ immunization campaign inilunsad ng DOH

‘Vax-baby-vax’ immunization campaign inilunsad ng DOH

November 7, 2022 @ 5:07 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ngayong araw, Nobyembre 7 ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development ang “Vax-Baby-Vax” Routine Catch-up Immunization Campaign sa Lakeshore Hall, Taguig City.

Target na mabakunahan ang 137,048 sanggol mula 0 hanggang 23 buwang gulang ng bakuna kontra polio, measles, mumps, rubella, diphtheria, at hepatitis B.

Target din ng kampanya na madagdagan ang kamalayan at kaalaman sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna.

“The campaign also targets to increase the knowledge and awareness of the safety and efficacy of vaccines among family decision makers to drive behavior change with the help of government agencies, local government unit, organzations and private sectors.”ayon sa DOH.

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig City, Department of Interior and Local Government-NCR, World Health Organization, Rotary Club District 3780, Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga magulang na residente ng lungsod na ang pinakamagandang regalo sa kanilang anak na sanggol ay ang pagbabakuna kontra sa mga nasabing sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Dave Baluyot

Larawan kuha ni Cesar Morales