‘Vax-baby-vax’ programa inilunsad ng Pasay LGU

‘Vax-baby-vax’ programa inilunsad ng Pasay LGU

November 6, 2022 @ 12:33 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang “vax-baby-vax” na isang routine catch-up ng pagbabakuna para sa mga batang mula sanggol hanggang 23-buwang-gulang.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, kanyang pinananawagan sa mga magulang ng mga batang zero hanggang 23-buwang-gulang na hindi pa nakakukumpleto ng baksinasyon laban sa sakit ng mga bata ay bumisita na lamang ang mga ito sa kahit saang 13 health centers sa lungsod na malapit sa kanilang lugar para sa pag-iiskedyul ng imunisasyon.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na bukod sa mga bat ana hindi nakakumpleto ng kanilang baksinasyon, ang mga kabataan na hindi naturukan ng bakuna sa kanilang nakaiskedyul na araw ay maaari din na bumisita sa pinakamalapit na health centers kung saan ang routine catch-up immunization ay magaganap mula Nobyembre 7 hanggang 18.

“Para mas protektado si baby, it is necessary they receive vaccines against polio, measles, hepatitis B, pneumonia, and other vaccine preventable diseases (VPDs),” ani Calixto-Rubiano.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ito na ang tamang panahon para mapabakunahan ang kanilang mga anak laban sa sakit ng mga bata. James I. Catapusan